IPASARA ANG PAWNSHOP SA RESORTS WORLD

Allan-Encarnacion-mano_mano-web-copy

PAULIT-ULIT na lamang ang propaganda sa pagbabawal na iharap ang mga suspect sa media conference.

Hindi ko na matandaan kung sino ang nagpasimula ng gimik na pinagsusuot  ng orange o dilaw ang mga arestadong suspect habang ipinagmamalaki ng PNP o ng alinmang law enforcement agency  ang pagkakahuli sa kanila.

Kung hindi tayo nagkakamali, parang nasimulan ang pakulong ito nang  gobyernong Ramos. Itinuloy na lang ito ng mga sumunod na administrasyon dahil akala nila good points ito sa publiko.

Hindi nila namamalayan ang talamak na paglabag sa karapatang pantao ng mga inaaresto, lalo na kung ang mga ito ay inipitan lang ng bala sa daliri para aminin ang hindi nila pagkakasala.

Natutuwa tayo na bumalik na naman sa usapan sa ibabaw ng lamesa ang ganitong isyu dahil sa kautusan ni Secretary Mar Roxas na tigilan na ang gimik.

Nang masakote ang sinasabing suspect sa pag-ambush sa Isabela town Mayor, nagkaroon din ng presentasyon ng mga akusado sa Karingal.

In all fairness kay Secretary Roxas, napansin natin noong iharap ang mga ambush suspect sa Karingal, nakita nating bumulong siya kay QCPD Chief, Col. Richard Albano na paalisin sa kanilang likuran ang mga inaresto.

Bagama’t huli na ang lahat, naiharap na sa publiko ang mga inaresto na hindi pa naman napatutunayang sila nga ang may kagagawan.

Umaasa tayong huhudyat  ito ng bagong pagtrato natin sa mga akusado.

***

Wala na ba talagang balak ang Resorts World na magtira ng pera sa pamilya ng mga sugarol sa casino?

Humahanga tayo sa management ng RW dahil sa maayos nilang palakad sa kanilang pasilidad. May sinehan, may mga hotel, may shopping mall at may mga maayos na kainan.

Competitive na rin naman ang facilities ng RW sa mga sangay nila sa ibang bansa kaya nga proud tayo para sa ating bayan na makapagpasok ng ganito kalaking investor. (ITUTULOY)

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply