Isabela mayor patay sa ambush sa QC

PATAY ang mayor ng Maconacon, Isabela makaraang ambusin ng mga armadong lalaki sa Quezon Avenue corner Examiner St., Quezon City kaninang 8:30 ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Mayor Erlinda Domingo, habang sugatan naman at isinugod sa pagamutan ang kanyang driver bodyguard.

Sa inisyal na imbestigasyon, dadalo sa isang wedding anniversary si Domingo nang barilin ng mga suspek na ang isa ay agad namang naaresto ng pulisya.

Inaalam pa kung ano ang motibo sa krimen.

 

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply