Itay nagpatiwakal sa harap ng anak

bangkay

NASA state of trauma ngayon ang isang batang lalaki matapos magpatiwakal sa harapan niya ang kanyang ama sa Vintar, Ilocos Norte.

Batay sa ulat ng pulisya, isinubo ng mister na si Efren Butac gamit ang 12-gauge shotgun sa kanyang bibig at pinaputok ito habang nakamasid ang kanyang anak na si Edmund.

Nagulantang ang bata nang biglang sumabog ang ulo ng ama.

Isinugod din sa ospital si Edmund na tinamaan naman ng shrapnel sa kanang balikat.

Napag-alaman na bago naganap ang malagim na pagpapakamnatay ni Batuc, ay nakaaway umano nito ang kanyang hipag.

Pinaniniwalaang lasing ang suspek nang umuwi sa kanilang bahay at kinuha ang kanyang shotgun at nagpatiwakal.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply