Itay patay, anak kritikal sa nakaaway na kapitbahay

crime6

TODAS ang isang mister habang kritikal ang anak nito matapos pagsasaksakin ng kapitbahay na nakaaway sa Caloocan City, kagabi.

Dead on arrival sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center si Roberto Sugdang, 52 ng Julian Felipe St., ng lungsod, sanhi ng saksak sa katawan.

Inoobserbahan naman sa nasabing ospital ang anak nitong si Ronaldo Sugdang, 21 ng nabanggit na lugar,  dahil sa tinamong saksak sa ulo at likod.

Pinaghahanap ng mga pulis ang tumakas na suspek na si Rodolfo Tumalad, 25 at kapitbahay ng mag-ama.

Batay sa ulat, dakong alas-8:00 kagabi, nakatalo ng suspek si Ronaldo sa kanilang lugar na naging dahilan upang umuwi ang una.

Makalipas ang ilang sandali ay bumalik ang suspek na armado na ng patalim at inundayan ng saksak si Ronaldo.

Nang makarating ang pangyayari kay Roberto ay agad nitong pinuntahan ang anak subalit sinalubong siya ng saksak ng suspek.

Mabilis na tumakas ang suspek habang isinugod ang mag-ama sa naturang pagamutan.

Inaalam na ng pulisya kung ano ang pinagtalunan ng suspek at ni Ronaldo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply