Jalosjos bros ‘di pinayagang tumakbo sa May polls

comelec-3

HINDI pinapayagan ng Commission on Elections (Comelec) ang Jalosjos brothers na makatakbo sa darating na May 13, 2013 elections.

Nabatid na pinagbawalan ng Comelec na tumakbo sina Zamboanga del Norte Rep. Romeo Jalosjos at Dominador Jalosjos dahil sa kasong kinakaharap ng mga ito at sa kuwesityunableng residency ng isa sa kanila.

Si Romeo ay dating convicted sa kasong panggagahasa at naging isyu rin ang kanyang residency na isa sa requirement sa pagtakbo bilang alkalde ng Zamboanga City.

Samantala, si Dominador naman ay nahaharap sa kasong pagnanakaw ngunit kumakandidato bilang gobernador naman ng Zamboanga del Norte.

Nabatid na nagkasundo ang mga miyembro ng commission en banc para ikansela ang kandidatura ng mga ito sa magkahiwalay na resolusyon ng Comelec.

Ayon naman kay Chairman Sixto Brillantes, maaaring magpasaklolo ang dalawa sa Korte Suprema kung nakikitaan nila ng pagkakaroon ng abuso ang poll body sa naturang desisyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply