Japanese nabiktima ng ipit gang sa Pasay

NASIRA ang inaasam-asam na “It’s more fun in the Philippines” ng isang Japanese national matapos mabiktima ng “ipit gang” sa Pasay City, Lunes ng gabi.

Nanlulumong nagtungo sa himpilan ng pulisya ang biktima na kinilalang si Etsuo Ho Dotsuka, 60, disigner at pamsamantalang nanunuluyan sa H2O Hotel, Manila.

Batay sa pahayag ng biktima, naganap ang insidente dakong 10:30 ng gabi sa loob ng isang taxi habang binabybay ang kahabaan ng Roxas Boulevard sa naturang lungsod.

Nauna rito, nakatayo ang banyaga sa harap ng Firehouse Resto Bar na nasa EDSA nang hintuan siya ng isang taxi at inalok siya na sumakay at ihatid sa tinutuluyang hotel.

Nang makarating sa madilim na bahagi ng Roxas Boulevard, biglang inihinto ng driver ang sinasakyang taxi at pumasok sa magkabilang pintuan ang dalawang armadong lalaki na kasabwat ng driver.

Pinalo sa ulo ang biktima at saka nilimas ang mga dalang alahas, salapi at personal na kagamitan nito.

Makaraang makuha ang pakay ng mga suspek, ibinaba ang biktima sa barangay hall ng Brgy. 114 Zone-17 malapit sa Sogo Hotel. Dito, humingi ng tulong sa barangay tanod ang biktima at sinamahan siya sa Pasay City General Hospital para magamot ang tinamong sugat.

Ayon kay PO3 Mariano Pata, Jr., at PO3 Melvin Garcia, blangko sila sa pakakakilanlan ng mga suspek dahil hindi umano maibigay ng biktima ang diskripsyon ng mga suspek maging ang tatak at plate number ng taxi na sinakyan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply