Jeep sumalpok sa truck: 2 patay, 16 sugatan

accident

DEAD on arrival sa Toledo District Hospital ang dalawang babae habang patuloy na ginagamot   ang 16 na iba pa matapos na sumalpok ang sinasakyan nilang passenger jeep sa isang nakaparadang dump truck sa Toledo City, lalawigan ng Cebu kamakalawa ng gabi.

Sa ulat na nakarating PNP Highway Patrol Group sa Camp Crame kahapon, nabatid na kapwa patay na nang idating sa pagamutan sina Rosemaris Bangkok, 44 at isang hindi pa nakikilalang babaeng tinatayang nasa 30-taong gulang.

Hawak naman ng Toledo City Police Office ang driver ng pampasaherong jeep na nakilalang si Edelmarliero Alester na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at multiple physical injuries.

Sa impormasyong ibinahagi sa media ni SPO1 Jerson Libomfacel, desk officer ng Toledo City police, binabagtas ni Alester ang national road mula Barangay Lutopan patungo sana sa Barangay Poblacion nang sumalpok ito sa nakaparadang 10-wheeler dump truck pagsapit sa may Barangay Magdugo, Toledo City dakong alas-7 ng gabi.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply