Jeepney driver nagmagandang loob na, sinaksak pa, kritikal

crime3

KRITIKAL ang lagay ng isang jeepney driver matapos itong saksakin ng isang hindi pa nakikilalang suspek kagabi Enero 21, sa tapat ng motel sa Mac Arthur High Way, Potrero, Malabon City.

Inoobserbahan sa Valezuela Hospital si Jonthan Cunanan y Gapay, 34, binata, driver, ng  106 Pine Apple Road ,ng lungsod sanhi ng tinamong saksak sa kaliwang bahagi ng kili-kili at sa kanang kamay.

Mabilis namang tumakas ang di pa nakikilalang suspek bitbit ang ginamit na patalim.

Ayon sa ulat, dakong alas 8:30 ng gabi ng maganap ang insidente sa tapat ng Primmas-in sa nasabing barangay.

Nabatid na nag-iinuman ang biktima at ang kaibigan nito sa kanyang nakaparadang jeep ng dumating ang suspek at nagkunwari ng hihingi ng barya pambili ng sigarilyo.

Agad naman kumuha ng barya sa bulsa ang biktima pero ng makita ng huli ang perang papel na halagang P750.00 inagaw ng suspek na humantong sa pambuno hangang sa magbunot ng patalim at sinaksak ang biktima.

Mabilis na tumakas ang suspek habang ang biktima ay dinala sa nasabing pagamutan ng kanyang kainuman.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulis sa nasabing insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply