Jennylyn itinangging pinagbabawalan niya si Patrick na bisitahin ang anak

jennylyn-mercado-front

“HINDI… Walang gano’n, not true. Hindi totoo. Walang katotohanan yun.”

Ito ang mga sinabi ng Kapuso star na si Jennylyn Mercado tungkol sa balitang pinagbabawalan niya si Patrick Garcia na bisitahin ang anak nilang si Alex Jazz.

Say pa ng gandarang aktres, malaya raw anytime si Patrick na bisitahin ang kanyang anak basta gustuhin lang ng aktor.

Samantala, masaya si Jennylyn sa itinatakbo ng kanyang career sa GMA7.

Aniya naggo-grow siya sa Kapuso network.

Ispluke pa ng aktres, pagkanta lang ang alam niyang gawin nang manalo siya sa first batch ng StarStruck.

Sa Siyete na niya aniya natutuhang umarte at ngayon nga ay mag-host (si Jenn ay host ng H.O.T. TV).

Sinabi rin ni Jenn na wala siyang planong lumipat sa ibang network dahil happy siya sa Siyete. Sa katunayan nga ay muli siyang pumirma ng bagong kontrata sa istasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply