Fr. James Reuter, ihahatid sa huling hantungan

Fr.-James-Reuter

ILILIBING ngayong hapon si Jesuit priest Father James Reuter, isang pioneer at  visionary sa daigdig ng teatro, radyo at telebisyon sa bansa na nagsulong ng family rosary  crusade sa buong mundo.

Bago ito, isang requiem mass ang ikinasa sa Church of the Gesù dakong alas 1 ng hapon sa Ateneo de Manila University sa Quezon City.

Pagkatapos ng misa, dadalhin ang kanyang labi sa Sacred Heart Novitiate Jesuit cemetery sa Novaliches, Quezon City.

Nagsilbi si Reuter ng pitong dekada ng priestly ministry matapos siyang dumating sa bansa noong 1938 bilang isang 22-anyos na  misyonaryo.

Siya rin ang naging susi para mag-organisa ng maraming Catholic media outfits at projects.

Noong 1989, nakatanggap si Reuter ng Ramon Magsaysay Award for Journalism, Literature at Creative Communication Arts, at marami pang award kabilang ang highest Papal award na iginawad sa kahit na sinong indibidwal sa pagkilala bilang outstanding at exemplary service sa Catholic Church at sa Holy See.

Noong 2006, nasungkit din niya na maging isang honorary Filipino citizen na iginawad ng  Kongreso bilang pagkilala sa kanyang lifetime service sa taumbayan.

Nitong nakaraang Disyembre 31, namatay si Reuter sa Our Lady of Peace Hospital sa Parañaque sa edad na 96-anyos.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply