‘Jimmy Santos’ naholdap sa Caloocan

crime-fugitive

HINOLDAP ng tatlong lalaki ang isang kapangalan ng Eat Bulaga host na si Jimmy Santos at kasama nito sa Caloocan City, Huwebes ng madaling araw (Enero 31).

Sa ulat, dakong alas-5:20 ng madaling araw, ipinarada ni Jimmy Santos, 41 kasama si Raffy Dela Cruz, 27, helper, ang dalang closed van sa Rizal Avenue Ext., sa 6th Avenue ng lungsod nang lapitan sila ng mga suspek at tutukan ng patalim.

Kinuha ng mga suspek ang cellphone ng mga biktima, pati na ang DVD player ng sasakyan bago nagsitakas.

Nakahingi ng tulong sa mga nagpapatrulyang pulis ang mga biktima na naging dahilan upang habulin at madakip ang mga suspek na kinilalang sina Cupid Lopez, 25; Jim Patrick Payongayong, 23 at James Richard Memot, 22 pawang ng 6th Avenue ng lungsod.

Narekober ng awtoridad sa mga suspek ang isang patalim at nabawi rin ang mga tinangay sa mga biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply