Job fairs sadyain – DOLE Sec. Baldoz

dole-sec-baldoz

PINAYUHAN ni Labor and Employment Secretary Rosalinda Baldoz ang mga naghahanap ng trabaho ngayong taon na tunguhin ang mga gaganaping job fairs ng kagawaran.

Ayon kay Baldoz, 106 job fairs ang isasagawa ng DOLE sa Metro Manila.

Ginawa ng kalihim ang maagang pahayag upang makatiyak na maipabatid nang maaga sa mga nangangailangan ng trabaho upang sila ay makapaghanda sa gagawing pagbisita sa buwanang job fairs.

“This is only an initial schedule. There will be many more job fairs, especially in the regions, for our job seekers this 2013,” ayon sa kalihim.

Magsasagawa ng job fair ang mga sunusunod:
* PESO Mandaluyong – January 5, 12, 19 at 26
* PESO Taguig – Jan 7, 14-18, 21, 23, 25, 28, at 30
* SM Supermarket Mandaluyong – Jan 8
* Peso Taguig at SM Homeworld Mandaluyong – Jan 9
* E-performax Mandaluyong, PESO Makati-Pasay, at PESO Taguig – Jan 11
* SM Supermarket at PESO Mandaluyong – Jan 22
* PESO Makati – Jan 25

Ang naturang job fairs ayon sa kalihim ay magtutuluy-tuloy hanggang sa buwan ng Disyembre ngayong taon.

“One of the advantages of visiting a DOLE job fair is that a job seeker spends less money and less timer and minimal effort to find a job because DOLE gathers as many employers as possible –whether local or overseas–under one roof.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply