Jollibee-Regalado, QC ninakawan

PINASOK ng mga magnanakaw ang isang sangay ng Jollibee sa Regalado, Barangay Fairview, Quezon City.

Base sa pahayag ng branch manager ng naturang sangay na si Joseph Escobar, pinasok ng mga suspek ang naturang fastfood chain at kinuha ang ilang mga kagamitan tulad ng condensing motor cover ng walk-in freezer; dalawang condensing motor cover ng walk-in griller, limang gallon ng iba’t ibang pintura; limang scrap fan motor; 10 piraso ng crate; at ilang scrap stainless steel.

Nabatid na nagawang makaakyat ng mga suspek sa ikalawang palapag ng fastfood chain at nang makaabot sa condensing area ay dito na ginawa ang panloloob.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply