Kaalaman sa sakit na autism, paiigtingin ng DOH

autism

NAIS ng Department of Health (DOH) na mapaigting pang lalo ang kaalaman ng mga Pinoy hinggil sa sakit na autism.

Kaugnay nito, sinabi ng DOH – National Capital Region (NCR) na makikiisa sila sa idaraos na ‘Angels Walk for Autism’ ngayong araw (Enero 20) kasabay nang paggunita sa 17th National Autism Consciousness Week (NACW) at bilang suporta na rin sa Autism Society of the Philippines (ASP).

Ayon kay Regional Director Eduardo C. Janairo, ang walk for autism ay isang mahalagang aktibidad upang mapaigting ang kaalaman ng mga Pinoy hinggil sa autism.
Sinabi ng health official na nais nilang mabigyan pa ng higit na atensiyon ang naturang kondisyon at mapaghusay ang buhay ng mga persons with autism (PWA).

“We would like to provide more attention and improve the quality of life for persons with autism by understanding and recognizing their personality and helping them to cope with their condition. Let us be reminded that autism is not a case of mental retardation or an emotional problem. Although there is no cure for autism, it can be treated through therapy,” ayon kay Janairo.

Pinayuhan pa ni Janairo ang mga magulang ng mga batang may autism na bigyan kaagad ng tamang therapy ang mga ito para sa mas malaking tiyansa na magtagumpay ang paggamot dito.

“For parents of children with autism, it is best to get the proper therapy for your child mmediately for a greater chance of success in treatment. The most effective way is to provide early intervention to speed up your child’s development and further reduce the symptoms of autism,” dagdag pa ni Janairo.

Ang Autism spectrum disorder (ASD) o “autism,” ay developmental disability ng utak at naaapektuhan nito ang mga bata.  Nakikita ang mga senyales nito sa unang tatlong taon ng kanyang buhay.

Hindi umano ito isang uri ng mental retardation at bagamat marami sa mga taong may autism ay mukhang retarded, kalamitang sila ay matatalino.

Ayon sa ASP, tinatayang aabot sa 600,000 pamilya ang apektado ng autism.

Kaugnay nito, sinabi ni Janairo na magpapatupad din sila ng mga programa upang maisulong ang karapatan ng mga batang may autism bilang suporta sa UN Convention on the Rights of Persons with Disabilities (CRPD) at ng Magna Carta for Persons with Disabilities.

Sa ilalim ng Presidential Proclamation 711 ng 1996, ang NACW ay ipinagdiriwang tuwing ikatlong lingo ng Enero.

Ang tema nito ngayong taon ay “Autismo Alamin: Pagtanggap at Pag-unawa Palaganapin.”

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply