KABALIKAT ANG NAVY SA PAGBANGON

HINDI lingid sa atin ang naging apekto sa mga kababayan natin sa probinsya ng Davao Oriental noong nakaraang buwan.

Maraming buhay ang nasawi at ari-ariang napinsala dahil sa bagsik ng bagyong Pablo.

Malaki ang pangangailangan upang matulungan nating bumangon ang ating mga Kababayan.

Marami na ang mga suporta galing sa mga iba’t ibang ahensya ng gobyerno, non-government na organisasyon at iba pang indibidwal mapa-lokal o internasyunal ang ating naipaabot para sa mga biktima ng bagyo.

Subalit, hindi pa rin sapat ang ating nalikom upang sila ay tuluyang makabangon.

Maliban sa pagkain at kagamitan, naging pangunahing problema rin ang pansamantalang tirahan para sa mga biktima.

Sa tulong ng Shelter Box Philippines ay nakapaghatid ang Philippine Navy ng humigit kumulang na 350 ng mga shelter tents para maging pansamantala nilang tirahan.

Lulan ng Barko ng Republika ng Pilipinas Laguna ay hinatid din sa Davao Oriental ang 295 na toneladang sari-saring relief goods.

Marahil, hindi pa rin sapat ito upang maibsan ang hinagpis ng ating mga kababayan doon.

Noong bumisita si Vice Admiral Jose Luis Alano sa Davao Oriental upang personal n’yang makita ang lugar at makausap ang mga personnel ng Navy na nagsasagawa ng humanitarian assistance ay nakita niya na kailangan na magkaroon ng isang lugar para maging lagayan ng relief goods at magsilbing pansamantalang tirahan na rin.

Dahil dito, magpapagawa ang Philippine Navy ng tatlong Multi-Purpose Hall sa mga pinaka-apektadong bayan ng Davao Oriental ang Cateel, Boston at Banganga.

Ang mga Multi-Purpose Hall ay gagawin ng mga personnel ng Naval Construction Brigade or Seabees at ito ay dinesenyo ng Office of the Naval Engineer.

Marahil, ay kulang pa rin kung ating tutuusin ang tulong na ating ipaaabot para sila ay tuluyang makabangon.

Ngunit, sa sama-sama nating pagkilos at pagtutulungan, asahan ninyo na ang inyong Philippine Navy ay inyong kabalikat sa pagbangon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply