Kabastusang gimik ng politiko

ito-ang-totoo-colored

PANG-MASA effect ang gimik ng maraming politiko para makakuha ng boto.

Ito Ang Totoo: sukdulang mag-tsinelas o naka-T-shirt lagi ang mga politikong ito kahit ano pa ang okasyon para ipakita sa madlang people na sila ay masa at therefore, maka-masa.

Halimbawa na itong konsehal ng Lungsod ng Olongapo na si Rodel Cerezo. Lagi siyang naka-T-shirt, rubber shoes, maong at kung min-san naka-shorts pa.

Kandidato ito ngayon sa pagka-vice mayor ng lungsod kaya talagang kung kakayanin lang, halos lahat ng okasyon ay dadaluhan.

Hindi masama na mag-T-shirt, maong o shorts pero Ito Ang Totoo: may mga okasyon na hind ito binabagayan. Halimbawa ang pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ng pambangsang bayaning si Jose Rizal bilang paggunita sa pagka-martyr nito para inang bayan nating Pilipinas.

Sa Rizal Triangle ng Olongapo kamakailan lang, nagtipon-tipon ang mga mamamayan, mahirap, mayaman, negosyante, politiko, kabataan at iba pa, lahat halos, lalo na iyong mga may bahagi sa programa ay sinikap manamit ng pormal.

Barong na piña pa ang suot ng ibang kalalakihan at si Mayor Bong Gordon, kahit na naka-basebal cap at tadtad ng bulsa ang pantalon, naka-coat naman at may neck-tie pa.

Pinangunahan naman ni First Lady Anne Gordon ang mga kaba-baihan sa pormal at disenteng kasuotan na sa okasyon ay bagay naman.

Nagbulungan ang mamamayan ng ang mga opisyal na ng bayan ang naghatid ng bulaklak sa paanan ng bantayog ni Rizal bilang bahagi ng okasyon ng pagbibigay-pugay sa pambansang bayani.

Ito Ang Totoo: kasama sa mga opisyal ng lungsod, si konsehal Rodel Cerezo ay naka-maong, shirts at sandals lang.

Binastos ni Cerezo ang okasyon at ang mga mamamayang nagbibigay pugay sa pambansang bayani, tingin ng marami, lalo pa’t lagi namang ganoon ang suot ni Cerezo kahit anong okasyon ang puntahan nito.

Lumalabas na itong si Cerezo, makakuha lang ng boto, kahit sino at ano, ay babastusin nito, wala siyang paki kung ordinaryong mamamayan o kahit pa bayani ng bayan.

Ito Ang Totoo!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply