Kaibhan ng Caloocan sa Cebu at kayabangan ni Gen. Garbo

burdado-jun-briones

HINDI ko malaman kung gusto lang sumipsip sa wetpaks ni DILG Mar Roxas si Central Visayas Regional Director C/Supt. Marcelo Garbo o talagang matindi lang ang taglay nitong kayabangan.

Ang tinutukoy natin, parekoy, ay ang pahayag ni General Garbo na kung kinakailangan ay nakahanda siyang bitbitin palabas ng Kapitolyo ng Cebu si suspended Governor Gwendolyn Garcia.

Kundi ba naman ubod ka ng yabang na anak ka ng ina mo, Gen. Garbo.

Aba eh, hindi mo na dapat sinasalita ‘yun, dapat ay ginagawa mo na lang para malaman mo ang magiging resulta!

Ang ibig kong sabihin, parekoy, kung may ligal na basehan ang pagkakaladkad kay Gov. Garcia palabas ng kanyang opisina ay hindi na kailangan na isang heneral pa ang gagawa nito.

Sa liit na babae ni Gwen, aba eh kahit isang uhuging PO1 lang ay magagawa ito!

Isaksak mo ito riyan sa kukote mo, General Garbo, na ang dahilan kung bakit walang pahayag ang DILG tungkol sa pwersahang pagbitbit kay Gov. Garcia ay dahil maliwanag na ito ay political issue kaugnay ng halalang 2013.

Na hindi makatutulong sa pagpapahupa sa napakainit na tensyon sa Cebu ang anomang hakbang o salita man lang na gaya ng binitiwan mo!

-o0o-

ILANG buwan bago naganap itong isyu sa Cebu ay may kahalintulad na nangyari.

Si Caloocan City Mayor Recom Echiverri ay iniutos ng Sandiganbayan na suspendihin dahil sa mga kasong graft and corruption na isinampa ni Vice Mayor Edgar Erice.

Sa kabila na ito ay criminal case at pangungurakot, pero ang administrative aspect nito ay hindi dinalirot ng DILG.

Hindi siya sinuspinde ng DILG at hindi rin siya hinarang sa Court of Appeals gaya ng nangyari kay Gov. Garcia.

At wala ring maepal na heneral na nagpahayag na bibitbitin si Recom palabas ng kanyang opisina!

Ang dahilan, parekoy, si Recom Echiverri ay kasapi ng Liberal Party nina PNoy at DOTC Secretary Mar Roxas samantalang si Garcia ay kalaban nila dahil kakampi ito ni Vice President Jejomar Binay!

‘Yan, parekoy, ang matuwid na daan ng administrasyong ito.

Na kung kalaban ay kaagad sisibakin at bibitbitin pa ng isang gagong heneral!

Pero kung kakampi ay ipaghehele kahit pa ang kaso ay pangungurakot! Pwe!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply