KAILAN TITINO ANG BATANGAS?

bong_padua1

Maraming taon nang inirereklamo ang Batangas sa naglipanang kailigalan, at ngayong 2013 na, tila, ‘di pa ring maglilibay ang lalawigan sa kalokohan.

Napakarami na ring hepe ng Pambansang Kapulisan ang umupo at nagretiro, ngunit hindi nagawang baguhin ang masamang imahe ng probinsya.

Ngayong si Dir. Gen. Alan Purisima ang may tangan sa PNP baton, baka naman may kalagyan na ang mga matitigas na iligalista riyan.

Si Gen. Purisima ay hand-picked ni Pangulong Aquino kaya siguradong magtatrabaho.

Tiyak na gagawin ang lahat para tumino ang bayan.

Baka puwede, general, hambalusin mo na ang mga hepe para lumayas na riyan sa lugar.

Wala e, as in wala talagang ginagawaaaaa.

Isama mo na ang mga tatamad-tamad na mga police chief, hindi lang sa Batangas kundi ang mga ‘Juan Tamad’ na hepe ng rehiyon.

Mabalik tayo sa Batangas. Alaeeee, kundi mga pulis, mga barangay leader pa ang inirereklamong mga pasimuno ng kailigalan.

Ang sumbong sa atin, tatlong pwesto ng paihian at burikian ay nag-ooperate sa Sampaga, Pinamukan at  Diversion Road,  Bolbok, Batangas City.

Sa Lipa City ay pulis at brgy. captain ang nag-ooperate ng tupadahan sa Balagbag.

Ang masaklap, ilang police scalawags ng Lipa City at RSOG sa R4A headquarters ang magkakasosyo raw sa nasabing tupadahan. Bukod sa tupadahan  ay mayroon ding color games, saklaan, beto-beto at kara y Cruz sa tabi ng ipinatayong illegal na sabungan.

Sa  Balete, sa San Nicolas ay untouchable ang peryahan na ang nakalatag ay mga color games, beto-beto at iba pang mga iligal na pasugalan.

Ano ang ginagawa nina Batangas City police chief Col. Nicolas Torre lll, Lipa police chief  Supt. Christopher Virung, hepe ng Tanauan City at San Nicolas,  patuloy na nag-ooperate ang mga iligal na nabanggit natin.

Kailan kaya titino ang Batangas? Paging Gen. Purisima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply