KAKASUHAN ‘DI DAPAT PINIPILI

bong_padua1

ISANG nakaiinis na gawain ng mga nanunungkulan sa gobyerno, lalo na yaong ang tema ng kanilang tungkulin ay law enforcement ay ang paiba-ibang desisyon o pagtaya sa mga nahuhuling nagkasala sa batas.

Nabanggit ko ito dahil sa isang pangyayaring aking narinig kahapon lamang sa bibig ni BOC Comm. Ruffy Biazon tungkol sa balikbayan na nahulihan na may mga dalang bala ng baril sa kanyang pagdating sa NAIA.

Kung tutuusin, napakaliit na pagkakasala ang nagawa ni Domingo Aquino, 75, isang Filipino – American nang mahulihan ito ng 50 piraso ng bala ng 9MM pistol, pero sa batas, mananagot ang gumawa, maliit man o malaki ang pagkakasala.

Maraming pagkakataon na ako’y nakasaksi ng mga law enforcer, maging sa Camp Crame, police stations at mismong sa NAIA na inililibre ang mga nahuhilihan ng mga bala, pero malimit may kapalit na ‘bribe money’.

May bribe money man o inilibre ang nahulihan ng bala ng mga nakahuling law enforcer, ang napagtanto ko sa ginagawang ‘di pagpapaalpas ng mga bata ni Biazon kay Aquino ay ang katuparan ng sinasabi ng  batas.

Sa pangyayaring ito,  napagtanto ko rin ang kaibahan ng dati’y kinukutyang pamunuan ng Aduana.

Kung noon, palaging naililibre ang mga nagkasala, ngayon ay ‘di umuubra sa kasalukuyang liderato ni Biazon.

Maliit man kung tutuusin, pero ang paghaharap ng  kaukulang kaso sa korte laban kay Aquino ay nag-iiwan ng katugunan na ang makasasagot pala ay ang kasalukuyang gobyernong Pangulong Noynoy Aquino.

Sa kaganapan na ito, nasagot din ang matagal nang bumabagabag kina Mang Juan at Aling Maria na pagbabalewala sa pinaiiral na batas.

Ang pagkahuli kay Aquino at ang paghaharap ng kaukulang kaso sa kanya sa korte ng BOC probers  ay patunay na sa administrasyong Aquino, ang bawal ay bawal at ang nagkasala ay dapat managot sa batas.

Sa ating mga masusugid na BOC law enforcers sa pamumuno ni Col. Marlon Almeda at Byron Carbonel…Mabuhay kayo!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply