Kaklase ni PNoy sa Ateneo, bagong hepe ng Presidential Legal Counsel

pnoy0

OPISYAL nang nakopo ng kaklase ni Pangulong Benigno Aquino III sa Ateneo mula grade school hanggang college na si Atty. Alfredo Benjamin Sabater Caguio ang posisyon bilang bagong hepe ng Presidential Legal Counsel.

Sa text message na ipinadala ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda ay kinumpirma nito na si Caguioa na ang opisyal na papalit kay Chief Presidential Legal Counsel Eduardo de Mesa na napilitang magbitiw sa puwesto matapos ilagay naman ni Pangulong Aquino sa government-owned and -controlled corporation Bases Conversion Development Authority (BCDA).

Si De Mesa ay itinalaga bilang BCDA director at nagsimulang umupo sa bago niyang posisyon noong Disyembre 19, kung saan ay pinalitan nito si Teresita Desierto.

Isa rin si De Mesa sa gumawa ng Executive Order No. 1 na lumikha ng Truth Commission, na nauwi naman sa pagiging unconstitutional batay sa naging desisyon ng Korte Suprema dahil naglalayon aniya ito na i-single out ang Arroyo administration sa anti-corruption campaign ni Pangulong  Aquino.

Si De Mesa ay senior partner ng Caguioa and Gatmaytan law office, na ang specialization ay litigation and arbitration, and siya ay anak ni dating  Court of Appeals Justice Eduardo Caguioa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply