Kalansay nahukay sa bahay ng Kawit massacre suspect

crime3

NAHUKAY ng pulisya ang isang kalansay ng tao malapit sa bahay ng Kawit massacre suspect na si Ronald Bae sa Cavite nitong nakaraang Martes (Enero 15).

Mismong si John Paul Lopez, na siyang umalalay kay Bae nang pagbabarilin nito ang pitong katao sa Kawit may dalawang linggo na ang nakararaan ang nagturo kay Cavite Police Provincial Office na pinangungunahan ni Chief Inspector Reynaldo Magdaluyo at sa mga forensic experts ang lugar ng pinaglibingan na nasa Tabon 1 sa Kawit na ilang metro lamang ang layo sa Bahay ni Bae.

Ibinuko ni Lopez na ang kalansay ng tao ay sa dating helper ni Bae na si Teodulo Villanueva na pinatay umano ni Bae noong 2003 dahil sa panloloko sa kanya sa panabong na manok.

Simula noong 2003, si Villanueva ay nasa listahan ng pulisya na nawawalang indibidwal. Sa katunayan, hawak ng mga tauhan ng  Criminal Investigation and Detection Group sa Cavite ang identification card ni Villanueva at ang trabaho nito ay isang  Japanese cuisine cook sa Manila Polo Club.

Inaalam din ng pulisya ang posibilidad na may kaugnayan sa droga ang pagpatay ni Bae kay Villanueva.

Bagama’t ang mga kalansay ay mula sa tao, sinabi ni Magdaluyo na kailangan pa rin na ipasuri ito sa forensic experts.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply