Kaliwa’t kanang krimen sa bansa, hindi matuwid na daan

cbcp

INIHAYAG ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP-NASSA) na hindi matuwid na daan ang tinatahak ng pamahalaan kung nababalot sa takot ang publiko hinggil sa mga nagaganap na krimen sa bansa.

Ayon kay CBCP NASSA Chairman at Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, dahil sa sunod-sunod na krimen partikular sa Metro Manila, hindi maiwasang magtanong ang taongbayan kay Pangulong Benigno Aquino III kung kaya ba niyang sugpuin o papanagutin sa batas ang mga taong gumagawa ng krimen o talagang ayaw lang niya na may masagasaang malalaking tao sa lipunan.

“Kaya itong sinasabi nating culture ng impunity. Yung gumagawa ng masama hindi napaparusahan. Kaya ang tanong natin dito ay ang pamahalaan ba ay kaya niya na habulin ito with his all police force? Kaya ba niya o ayaw niya? Ayaw niyang makahipo o makagalaw ng mga taong malalakas? Kaya yan ang problema. Kapag hindi kikilos ang pamahalaan ang mga tao ay nag-iisip na. Hindi nga matuwid na daan yan. Kasi ang mga tao ay nabubuhay sa takot. At saka nandyan din ang mga pabor na ibinibigay, pabor sa mga pulitiko, pabor sa mga nasa military na gumagawa noon kaya hindi yan matuwid na daan,” bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo sa radyo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply