KALOKOHAN SA DA REGION 8 AT RATRATAN SA SENADO

burdado- jun briones

NAG-IIPON sila ng pondo para sa mga kandidato ng Liberal sa Region 8 upang masigurado na ang pagiging Pangulo ni SILG Mar Roxas.

Ito ang idinadahilan ni Mr. Secretario sa pagrekupo sa mga proyekto ng DA, kaya mistulang maamong tupa sina DA (Department of Agriculture) Regional Executive Director (RED-8) Antonio Gerundio at BAC Chairperson Dr. Jenny Lyn Almeria.

Sa sumbong na ipinarating sa atin, milyones, parekoy, ang halaga ng mga proyekto sa nasabing rehiyon mula sa tanggapan ng Department o Agriculture ang pilit umanong binabraso para makuha nitong grupo nina Secretario na nagpapakilalang mga “striker” sila ni Mar Roxas sa “Balay group.”

Noong Disyembre, isang bidding ang ang niluto para sa mahigit P5 milyong proyekto ng “solar dryers” sa Samar area.

Sa kahalintulad na mga proyekto naman sa Leyte area, kahit may kompanyang nanalo sa nasabing bidding ay nakapagtatakang sa grupo pa rin ni Secretario ibinigay ang “award.”

‘Yan ang maliwanag na ehemplo ng “matuwid na daan” na ngayon pa lang ay naging “rough road” na dahil sa ambisyon ni Mar na maging Pangulo!

Kung talagang wala itong basbas kay SILG Roxas, bakit hindi siya magpaimbestiga sa Region 8! Doon nga lang kaya nangyayari ito?

-o0o-

NAG-UMPISA sa saulian ng regalo, napunta sa dalirutan ng anomalya sa Senado at ngayon ay dumiretso na sa sundutan ng pagkatao!

Isinauli ni Sen. Juan Ponce Enrile noong Pasko ang regalong biskwit ni Sen. Miriam Defensor Santiago.

Natural hindi natuwa si lola lalo na noong magkaalaman na mahigit milyon pala ang “regalo” ni Lolo JPE sa lahat ng senador maliban sa kan-ya (Santiago), magkapatid na Sens. Cayetano at Trillanes na binigyan lang ng tig-P250k, kaya naman isinauli rin ito ni Lola!

Lalong lumala ang kanilang ratratan nang sinabi ni Enrile na si Miriam ay may “lunar mind.”

Ibig mo bang sabihin, Mang Johnny, ay lunatic? Hak, hak, hak!

Buwelta naman ni Lola Mirriam, ipinangangalandakan daw ni Lolo JPE na nasa dugo nila ang pagiging gwapo o artistahin.

Bakit daw sa dugo lang? Ba’t wala sa mukha! Hahaha . . . ang masakit, parekoy, hinamon pa ni Lola Miriam si Lolo JPE na mag-shorts para makita kung sino sa kanila ang maganda ang legs!

Bwar, har, har! ‘Yan po ang mga magigiting nating senador! Pwe!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply