Kampanya ng local candidates maaantala ng isang araw

brillantes

INIHAYAG ng Commission on Elections (Comelec) na maaantala ng isang araw ang campaign period ng mga lokal na kandidato para sa May 13 midterm elections.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr., ang campaign period para sa mga local candidate ay nakatakda sanang magsimula sa Marso 29 ngunit dahil ang naturang araw ay natapat sa Biyernes Santo o Good Friday ay hindi pa sila maaaring magsimulang mangampanya.

Ipinaliwanag ni Brillantes na alinsunod sa batas, mahigpit na ipinagbabawal ang pangangampanya sa Biyernes Santo kaya sa halip na Marso 29 ay sa Marso 30, Sabado de Gloria na opisyal na magsisimula ang campaign period para sa local candidates.

“While the campaign period for local candidates under the law starts March 29, 2013, take note that it coincides with the observance of Good Friday,” tweet pa ng Comelec chief.

Ang national candidates naman o mga tatakbo sa pagka-senador at party-list groups ay maaari nang magsimulang mangampanya sa Pebrero 12.

Pansamantala ring ititigil ang kanilang campaign activities sa Huwebes Santo (Marso 28) at Biyernes Santo, bilang pagbibigay galang sa Holy Week.

Samantala, sinabi ni Brillantes na binago nila ang kanilang rules sa pangangampanya at election propaganda upang maisama ang online propaganda.

Tiniyak ni Brillantes na mas magiging istrikto ang kanilang campaign rules at sasamahan pa ito ng anti-epal provisions.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply