Kampo ni CGMA rumesbak kay Sen. Cayetano

GMA-2

IRITADO na ang kampo ni dating Pangulo at ngayon ay Papampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo dahil sa muling pagkakadawit ng dating Unang Pamilya sa awayan nina Senate President Juan Ponce Enrile at Senate Minority Floor Leader Alan Peter Cayetano.

Hamon ni Atty. Raul Lambino kay Sen. Cayetano na idetalye kung gaano kalapit ang Senate President sa dating Pangulo at sa asawa nitong si dating First Gentleman Mike Arroyo.

Ayon kay Lambino nagagamit ni Cayetano ang mga Arroyo lalo na ang dating Pangulo para sa sariling interes nito at maiangat ang sarili.

Giit pa ni Lambino, dapat idetalye ni Cayetano kung ano ang relasyong sinasabi nito sa pagitan ng mga Arroyo at ni Enrile gayundin ang Chief of Staff nitong si Atty. Gigi Reyes.

Inihayag din ni Lambino na kahit ang mga Cayetano ay malapit din sa dating Pangulo dahil dating miyembro ng Lakas-CMD na partido ni CGMA noong 1998 ang ama nitong si dating Senador Rene Cayetano at ang kapatid nitong si Senator Pia Cayetano ay tumakbo din sa ilalim ng partido ni Arroyo noong 2004.

Sinabi ni Lambino na bago magsalita ay marapat lamang na manalamin muna si Cayetano.

Sa halip na kaladkarin aniya si Arroyo sa mga isyu ay ilatag na lamang daw ni Cayetano ang mga nagawa nito para sa taumbayan at sa bansa at huwag nang manggamit ng personalidad para lamang manalo sa halalan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply