Kapalaran ni Juan sa 2013

bong_padua1

Bagong Taon, bagong pag-asa!

Iyan ang tiyak na nakatanim sa isipan ni Mang Juan ngayong  nagsisimula na ang 2013.

Ang mga Pinoy ay naniniwala na sa pagbubukas ng taon, may kaakibat itong magdadala ng suwerte sa kanilang buhay.

Kumbaga, punom-puno tayo ng paniniwala sa mga ugali at bagay na gagabay raw sa  atin sa tuwing magpapalit ang taon.

Gaya ng nakagawian ng mga Pinoy na pagbili at pag-ipon ng iba’t ibang uri ng bilog na prutas kapag Bagong taon.

Halos lahat yata ng bahay ay makikitaan mo ng mga naka-display na bilog na prutas sa kanilang bahay kapag Bagong Taon.

Ang bilog daw na prutas ay magdadala ng suwerte kaya naman si Mang Juan hahalughugin ang mga pelengke makapag-uwi lamang ng mga bilog na prutas.

Marami rin ang naniniwala na kapag nagsuot ka ng mga damit na may disenyong polka dot ay rarangya ang kanilang buhay.

Marami ang nagpatunay na bumuti ang kanilang buhay dahil sa pagsunod sa mga kaugaliang ito na minana na natin sa ating mga ninuno.

Pero mas marami ang nagsasabi na hindi nabago ang kanilang buhay sa kabila ng pagsunod sa mga kaugaliang ganito.

Isa sa mga ito ay ang aking biyenan na mula pa raw noong bata ay sinusunod na niya ang pag-uuwi ng mga bilog na prutas at pagsusuot ng polka dot ngunit purdoy pa rin ako – aniya – hanggang ngayon.

Pero may mga nakausap din tayo na kahit ‘di raw nababago at patuloy ang hirap sa buhay, sinusunod pa rin nila ang kaugaliang ito.

Malay mo – anila – baka isang Bagong Taon ay mabago rin ang kanilang buhay dahil sa tapat na pagsunod sa mga kaugaliang ito.

Tutal – anila – wala naman daw mawawala kung susundin mo ang mga ugaling ito ng ating mga ninuno.

Ang lahat ay may punto pero naniniwala pa rin tayo na ang kapalaran ng bawa’t Juan dela Cruz ay kanyang makakamtan kung siya’y magpupursige at magsisikap para maabot ang minimithing kaayusan sa buhay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply