Kasambahay bill, batas na

kasambahay

NAAWA rin umano sa wakas si Pangulong Aquino sa mga kasambahay matapos nitong lagdaan ang Kasambahay bill.

Ito ang inihayag ni San Juan Rep. JV Ejercito Estrada kasabay ng kaniyang pasasalamat kay PNoy dahil sa ganap na pagsasabatas ng Domestic Workers’ Act,  o mas kilala bilang Kasambahay Act.

“I’m very thankful to President Aquino for his concern over the plight of household helps who have long been at the mercy of their respective employers,” ani Ejercito Estrada.

Nakapaloob sa Kasambahay Act ang pagbibigay ng dagdag benepisyo at pagkilala sa may dalawang milyong kasambahay sa buong bansa.

Ang isang kasambahay ay sasahod na ng minimum na P2,500 sa Metro Manila, P2,000 sa mga pangunahing munisipalidad at siyudad samantalang P1,500 sa iba pang bahagi ng bansa.

Bukod sa monetary compensation kabilang ang 13th-month pay, nakasaad din sa bagong batas ang pag-aatas sa mga employers na mai-enroll ang kanilang kasambahay sa Social Security System, Philhealth, at Pag-ibig Fund at hatian ang mga ito sa pagbabayad ng kontribusyon.

“Most household helps have very little education,” ani Ejercito Estrada.

Ang panukalang ito ay naihain sa Kongreso may 15 taon na ang nakararaan subalit ngayon lamang ito ganap na naging isang batas sa ilalim ng 15th Congress.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply