Kasambahay tinarakan ng anak ng amo, kritikal

emergency-2

NASA malubhang kalagayan ang isang kasambahay nang pagsasaksakin ng anak ng kanyang amo matapos itong pagbawalang lumabas ng bahay para makipagkita sa kanyang boyfriend sa Pasay City.

Nilalapatan ng lunas sa Pasay City General Hospital bunga ng limang tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na kinilalang si Evelyn Genodiala, 27, tubong Tubod, Lanao Del Norte at stay-in sa bahay ng kanyang amo sa Blk. 26, Lot 4, Barrio Sto. Niño ng nabanggit na lungsod.

Batay sa imbestigasyon ni SPO 2 Roy Ramos, ang insidente ay naganap dakong 6:00 kagabi nang pagbilinan ng kanyang amo na ‘wag palabasin ng bahay ang 16 anyos anak na babae na si Nerlyn Kaharian.

Nagpupumilit umano ang dalaga na makalabas ng bahay para makipagkita sa kanyang kasintahan pero hinadlangang ng biktima dahil sa mahigpit na bilin ng kanyang amo.

Dahil sa matinding galit, kumuha ng patalim ang dalaga at winasiwas ng saksak ang biktima na timaan ng limang saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Makaraan ang pananaksak, agad na tumakas ang biktima at iniwanang nakahandusay na duguan ang biktima. Ang biktima ay isinugod sa pagamutan ng mga nagmagandang loob na kapitbahay na nakarinig sa paghingi ng tulong ng biktimang kasambahay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply