Kaso ng mag-asawang Muhlach idadaan sa oral argument ng CA

aga-muhlach

HINDI pa rin maibabalik ang pangalan ng mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzales sa listahan ng mga botante sa  Camarines Sur.

Ito ay matapos na hindi maglabas ng temporary restraining order ang Court of Appeals pabor sa mag-asawang Mulach.

Si Aga ay planong tumakbo bilang kinatawan ng Camarines Sur.

Sa halip, sa 2-pahinang resolution ng CA 12th Division na isinulat ni Associate Justice Vicente Veloso, ay nagtakda ito ng oral arguments sa kaso. Itinakda ito sa Enero 15, 2013 sa ganap na 2pm sa CA Session Hall.

Inatasan din ng CA ang Office of the Solicitor General na magkomento hinggil sa petisyon sa loob ng 10 araw.

Una nang kinwestyon ng mag-asawang Mulach ang desisyon ng San Jose Camarines Sur RTC na nag-aalis sa kanila sa listahan ng mga botante gayong ang hinihingi lamang naman ng batas para maging botante sa isang lugar ay 6 na buwan na paninirahan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply