Kaso ng pagpatay sa dermatologist sa QC nalutas na

NALUTAS na ng awtoridad ang kaso ng pagpatay sa dermatologist  nitong nakalipas  na Sabado ng hatinggabi (Enero 12, 2013) matapos  madakip  ang suspek dalawang araw matapos ang krimen sa Quezon City.

Natagpuan ang bangkay ng biktimang si Dr. Russel  Fritz  Saliganan, 32, tubong  Laoag, Ilocos  Norte  sa kanyang  inuupahang  apartment  sa  no. 32-F2, 2nd floor, Batay St., Brgy. Kaunlaran, Quezon City.

Ayon kay Senior Supt. Richard Albano, acting district  director  ng  Quezon City Police District, kinilala ang nadakip na suspek  na si John Patrick Torres, 28,  tubong Lukban, Quezon at residente ng No. 8 Balagtas St., Marikina St., Marikina  Heights, Marikina City.

Ang suspek na si Torres ay nadakip ng otoridad matapos ituro ng mga witness na siyang may kinalaman sa naturang krimen.

Sinabi sa ulat na  ang biktimang  si Saliganan at ang suspek na si  Torres ay  may  relasyon  at tinangkang  hiwalayan umano ng una ang biktima dahilan para isagawa ang krimen.

Nahaharap  ang suspek sa kasong  murder  bunga ng naturang krimen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply