Kaso vs Mayor Tuason at hamon ni Lee kay Purisima

burdado- jun briones

NAKABINBIN ngayon sa Ombudsman ang kasong isinampa noong nakaraang taon ni Masbate City Vice Mayor Allan Cos laban kay Mayor Socrates Tuason.

Pinatutunayan ni Vice Mayor Cos na labag sa batas ang ginawa ni Mayor Tuason nang walang patumangga nitong tanggalan ng pondo ang kanyang opisina.

Pero bago nangyari ang pagtanggal ng pondo sa opisina ng Vice Mayor, sina Cos at Tuason ay  magkaalyado hanggang sa magpasiya si Cos na kumandidatong mayor laban sa misis ng 3-termer na si Mayor Tuason.

‘Yang pera o pondo ng gobyerno, parekoy, ang kalimitang ginagamit na pang-ipit ng mga Local Chief Executive sa mga Vice na ayaw ng sumunod.

‘Di ba ‘yan rin ang ginawa ni Cebu Gov. Gwen Garcia kay Vice Gov. Sanchez kaya ito inireklamo sa Ombudsman? At dahil nga labag sa batas, bagama’t namatay na si Sanchez ay sinuspinde pa rin ng Palasyo si Gov. Gwen Garcia!

Maliwanag ang mensahe ni PNoy na ang mali ay mali! At hindi umano dahilan na si Garcia ay kalaban ng Liberal!

Sa pagsususpinde, mukhang gustong ipamukha ng Palasyo na ang tinitimbang nila ay ang bigat ng kaso at hindi ang partido ng respondent.

Ahhh, ganun…pwes dito natin makikita kung talagang tapat si PNoy at LP Chairman SILG Sec. Mar Roxas sa kanilang ipinangangalandakan! Si Mayor Tuason nga pala ay kasapi ng Liberal Party!

Hak, hak, hak, paano ba ito. May magaganap kayang sus-pension sa magkaparehong kaso? Abangan!!!

-o0o-

AYON sa pamunuan ng PNP, desidido si bagong Director General Alan Purisima na linisin ang hanay ng kapulisan mula sa tinatawag na “bad eggs.”

Pero habang nililitanya ito ni Purisima, patuloy naman ang collection nina Col. Lee mula sa lahat ng mga iligalista sa Kalakhang Maynila na ang ipinangangalandakan ay utos umano sa kanila ni NCRPO Chief Gen. Leonardo Espina.

Sa tantya po, Gen. Purisima,  ay aabot sa P3 milyon ang remittance tuwing Biyernes.

Paano ‘yan PNP Chief, sir, hahayaan mo ba na ang mga sinasabi mo ay pinagtatawanan lamang nina Col. Lee?

Maliwanag, parekoy, na itong ginagawa ni Col. Lee ay isang hamon kay Chief PNP. Hindi lang natin tiyak kung kakasahan ni Gen. Purisima ang hamon na ito ni Col. Lee!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply