Kasong administratibo vs ex-Ombudsman official ibinasura

orlando-casimiro

PINAGTIBAY ng Court of Appeals ang desisyon ng Office of the President na ibasura ang kasong misconduct laban kay Overall Deputy Ombudsman Orlando Casimiro.

Sa 21-pahinang desisyon na pinonente ni Associate Justice Rodil Salameda, ibinasura ng Court of Appeals First Division ang petition for review na inihain nina Ombudsman Assistant Special Prosecutors Jennifer Agustin-Se at Rohermia Jamsani-Rodriguez.

Nag-ugat ang kaso sa pagkaantala ng resolusyon sa may 15-taon nang kaso laban kina retired Air Force Officers Lt. Gen. Leopoldo Acot, Brigadier Gen. Ildefonso Dulinayan at ilan pang mga miyembro ng Air Force na may kinalaman sa umano’y ghost delivery ng ilang mga suplay sa Philippine Air Force na nagkakahalaga ng 89-milyong piso.

Nauna nang inirekomenda ng graft investigators ng Ombudsman ang paghahain ng kasong kriminal laban kina Acot at Dulinayan dahil sa paglabag sa Section 3 ng Republic Act 30-19 o Anti-Graft and Corrupt Practices at malversation of public funds.

Dumulog naman ang dalawang special prosecutor sa Tanggapan ng Pangulo dahil matagal umanong aksyunan ni Casimiro ang kaso, pero hindi sila pinaboran ng Malacañang dahilan naman para dalhin nila ang kaso sa Court of Appeals.

Tinukoy naman ng Court of Appeals sa desisyon nito na nabigo ang mga special prosecutor na magharap ng katibayan na sinadya nina Special Prosecutor John Turalba at Casimiro na maantala ang pag-aksyon sa kaso.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply