Kasong pang-aabuso na isinampa ni Annaliza Marzan sa mister, ibinasura ng QC court

IBINASURA kanina ng Quezon City court ang kasong pang-aabuso na isinampa  ni Anna Liza Marzan laban sa kanyang mister na si Reynold,  na kinasuhan din ng pang-aabuso ng kanilang katulong na si Bonita Baran .

Sa court record, ibinasura  ni QC Regional Trial Court Branch 225 Judge Cleto Villacorta III ang naturang kaso dahil nagsumite ng affidavit of desistance ang abogado ni Anna Liza na si Atty.  Joel Ferrer para maibasura ang kaso.

Sinasabi ni Anna Liza na pinababasura na niya sa korte ang kaso dahil wala na siyang interes na ituloy pa ito alang-alang sa kanilang mga anak.

Ang kaso ay nangyari noong  2008 nang ireklamo ni  Anna Liza  ang asawang si Reynold  ng paglabag sa Violence Againsts Women and Children Act dahil sa di na matiis na pananakit ng asawa.

Si Anna Liza sa ngayon ay nakapiit pa rin sa female dormitory ng QC jail dahil sa kasong serious illegal detention at physical abuse na isinampa ng kanilang katulong na si Bonita  Baran.

SI Reynold naman ay nakalaya nang maglagak ng piyansa matapos  payagan ni QC RTC branch 77 Judge Germano Francisco Legaspi dahil sa wala  namang nakitang sapat na ebidensiya ang korte para idiin si Reynold sa kasong naisampa ng katulong.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply