Kasong syndicated estafa vs Coco Rasuman group, ipinasasampa ng DOJ

DOJ

PINASASAMPAHAN na ng kasong syndicated estafa ng Department of Justice (DoJ) sa mababang korte sa Cagayan De Oro City Regional Trial Court (RTC) ang Coco Rasuman Group kaugnay sa kontroberiyal na multi-million pyramiding scam.

Sa 10 pahinang resolusyon na nilagdaan ni Prosecutor General Claro Arellano, nakakita ng probable cause ang panel of prosecutors sa pangunguna ni Senior Assistant State Prosecutor Edna Valenzuela upang kasuhan si Jachob “Coco” Rasuman at limang iba kaugnay sa reklamo ni Achmad Sangcaan na siya’y naloko ng P5.13 million noong nakaraang taon.

Batay sa complaint affidavit ni Sangcaan, October 2011 nang siya’y inalok ni Coco na mag-invest sa NAD 21 Auto Option Trading Corporation na may interest na 50 hanggang 100 percent sa loob ng dalawang buwan.

Samantala, Nobyembre 2011 nang i-invest nito ang kanyang sasakyan at P300,000 na cash at nabayaran noong Enero 2012 kasama ang 50 percent interest.

Sa petsang Mayo 2012 nang kumbinsihin ulit siya ni Coco, kasama ang misis nito na si Princess Tomawis Rasuman, kapatid na si Basher Tata Rasuman Jr. na mag-invest sa kompanya na may katapat na libreng mamahaling sasakyan kapalit ng malaking halaga ng perang ilalagak.

Subalit bago ang pag-mature ng kaniyang mahigit P15 million na investment sa pagitan ng June at July 2012 ay nagdeklara na ng bankruptcy ang pamilya Rasuman.

Kasama rin sa pinakakasuhan ng DoJ sina Jhacob Coco Rasuman, Princess Tomawis Rasuman, Basher Rasuman Jr., Basher Rasuman Sr., Ema Rasuman at Sultan Yahya Jerry Tomawis.

Sa ikalawang kasong syndicated estafa  ay base naman sa reklamo ni Naim Sampao na umano’y naloko ng P14.3 million, respondents sina Jachob Coco Rasuman, Princess Tomawis Rasuman, Basher Rasuman Sr., Sultan Yahya Jerry Tomawis, Basher Rasuman Jr., Vice Mayor Maning Rasuman at Jerome Rasuman.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply