Katanungan sa online campaigning, sasagutin ng Comelec sa Lunes

comelec-3

HINIMOK ng Commission on Elections (Comelec) ang mga taong may katanungan hinggil sa mga panuntunan na kanilang ipatutupad para sa online campaigning o pangangampanya ng mga kandidato sa pamamagitan ng internet, na dumalo sa kanilang isasagawang forum hinggil sa naturang isyu sa Lunes, Enero 28.

Batay sa abiso na ipinalabas ng Comelec, nabatid na isasagawa ang forum ganap na 2:00 ng hapon sa punong tanggapan ng Comelec sa Palacio del Gobernador, sa Intramuros, Maynila.

Layunin ng nasabing forum na mabigyan ng linaw ang ilang mga lumulutang na katanungan hinggil sa panuntunan sa online campaigning lalo pa’t ito ang kauna-unahang pagkakataon na kokontrolin ng Comelec ang nasabing campaign medium.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr., nais rin nilang malaman ang mga saloobin ng mga mamamayan hinggil sa rules sa online campaigning kaya’t idinaos nila ang forum.

Naniniwala rin si Brillantes na makatutulong ang forum upang mapaghusay pa nila ang naturang panuntunan.

Nauna rito, matatandaang nagpalabas ang Comelec ng resolusyon kung saan tinukoy na dapat na ring limitahan ang online election propaganda dahil gumagastos din naman para dito ang mga kandidato.

Sa ilalim ng panuntunan ng Comelec, papayagan lamang ang online propaganda na maipost ng tatlong beses sa isang linggo para sa bawat website sa panahon ng campaign period.

“We want to know what you think about our rules on online campaigning—and how they can be improved? Join us this Monday, Jan. 28, 2013 at 2pm, Comelec Session Hall,” ayon pa kay Brillantes.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply