Kawani ng Manila City Hall kulong sa sex photo

sex

HIMAS-REHAS ang isang empleyado ng Manila City Hall matapos ireklamo ng kanyang dating kasintahan sa pag-a-upload ng kanilang sex photo sa social networking site na Facebook.

Kinilala ni SPO1 James Sebrero ng MPD-Sampaloc Police ang suspek na si Frits Floreindo, 27, nakatira sa Vicente Cruz St. Sampaloc, Maynila.

Nabatid na naaresto ang suspek kaninang madaling araw sa loob ng Kubo sa Biak na Bato Bar and Restaurant sa may Retiro St. Sampaloc, Maynila matapos na ireklamo at kasuhan ng kanyang dating GF na itinago sa pangalang Sandy, 20, isang casino dealer.

Sa reklamo ng dalaga, tinakot siya ng suspek kaugnay sa pribadong larawan niya. Nagsimula aniya ang pananakot ng suspek nang makaaway niya ang kaibigang babae nito.

Sa presinto, mariing itinanggi ng suspek ang paratang ng biktima na siya ang nag-upload ng malaswang larawan sa internet.

Sinabi rin ng suspek na may access ang biktima sa kanyang FB account.

Nang tingnan naman ng pulisya ang cellphone ng suspek ay nakita ang mga malalaswang larawan subalit wala naman ang pinabubura ni Sandy na sex video nila.

Nangangamba naman ang biktima sa posibleng pagkalat ng nasabing sex photo sa internet at sa magiging reaksyon ng kanyang mga magulang sakaling matuklasan ang insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply