KBP nagpetisyon vs airtime ads ng Comelec

KBP

NAGHAIN na ng Motion for Reconsideration (MR) ang Kapisanan ng Broadkaster ng Pilipinas (KBP) sa Commission on Elections (Comelec) para baligtarin ang naunang desisyon na limitahan ang airtime para sa political advertisement sa panahon ng kampanya para sa 2013 Midterm Elections.

Sinabi ni KBP President Herman Basbaño, hindi niya itinanggi ang akusasyon ng Comelec na may kikitain sila rito pero nilinaw niyang hindi nila ito ginagawang hanap-buhay.

Kaugnay nito, tiniyak din ni Basbaño na may nakalatag silang plan-B sakaling hindi pakinggan ng Comelec ang kanilang apela.

Alinsunod sa bagong rules ng Comelec, ang mga kandidatong tumatakbo sa National posts ay papayagan lamang magkaroon ng 120 minutes na airtime
sa TV at 180 minutes sa radio para sa kanilang campaign ads habang ang mga local na kandidato naman ay bibigyan ng 60 minutong airtime sa tv at 90 minutes naman sa radio.

Hindi na rin per station ang campaign ads kundi collective o aggregate, taliwas sa nakalipas na halalan.

Iginiit rin ng Comelec na nanganganib na madiskuwalipika at maharap pa sa election offense ang sinumang lalampas sa itinatakda nilang airtime limits.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply