Kelot arestado sa pagtutulak ng droga

TUGUEGARAO CITY – Inaresto kahapon ng mga miyembro ng Tuguegarao Philippine National Police (PNP) at local na Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) ang number 9 most wanted na drug courier sa nasabing lalawigan.

Ayon sa report ni PDEA Region 2 Director Juvenal Azurin, ang suspek na kinilalang si Francisco Ubina, 40, ng Barangay Sta. Barbara, Piat, Cagayan, ay naaresto matapos ang ilang linggong surveillance upang manmanan ang kanyang illegal na activities.

Matapos makumpirma sa kanyang iligal na gawain, agad nagsagawa ng entrapment operations and lokal na PNP at PDEA upang arestuhin si Ubina.

Isang undercover agent ng PDEA na umaktong drug buyer ang humuli sa suspek pagkatapos iabot ang hindi pa nalalamang halaga ng shabu.

Sinubukan umano ng suspek ang pumalag pero hindi na ito nagawa dahil napalibutan na ito ng mga alagad ng batas.

Agad na dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek at inihanda ang kasong paglabag sa Anti-Dangerous Drug Act laban sa suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply