Kelot binaril, kritikal

emergency

KRITIKAL ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa kilalang mga suspek habang naghihintay ng masasakyan kasama ang ka-live-in sa Caloocan City Lunes ng madaling araw, Enero 21.

Inoobserbahan sa East Avenue Medical Center sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Michael Rivera, 27, ng Libra st., Pangarap ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-3 ng madaling araw, nag-aabang ng masasakyan ang biktima kasama si Lanie Dela Rosa sa Quirino Highway,Pangarap ng lungsod nang sumulpot ang mga suspek at pagbabarilin si Rivera.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang dinala sa EAMC ang biktima.

Inaalam na ng mga pulis kung sino ang mga suspek at motibo sa pamamaril.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply