Kelot binaril, tigok

crime-scene

PATAY ang isang 40 anyos na mister matapos barilin ng isang lalaking nakamotorsiklo sa Sta.Mesa, Maynila.

Dead on arrival sa UERM Hospital ang biktimang si Mannifer Telan, may-asawa ng Danka St., V. Mapa, Sta Mesa, Maynila kagabi.

Inaalam naman ang pagkakakilanlan sa suspek na tinatayang may taas na 5”7 hanggang 5”8, nakasuot ng kumbinasyon na kulay itim at puti na jacket, maong pants at kumbinasyon na kulay itim at puti na helmet at nagmamaneho ng Honda XRM na motorsiklo, na tumakas matapos ang pamamaril.

Nabatid kay SPO2 Charles John Duran ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 9:00 ng gabi nang naganap ang pamamaril sa Road 2, V. Mapa, Sta Mesa, Manila.

Lumalabas sa imbestigasyon na sakay ng isang tricycle ang biktima at misis nitong si Gemma mula sa pagtitinda ng DVD sa V. Mapa nang pagsapit sa nasabing lugar nang dikitan ng suspek at walang sabi-sabing binaril ang biktima.

Sinabi pa ng biktima sa kanyang misis na “nabaril” siya kaya inutusan ni Gemma ang tricycle driver na isugod ito sa ospital subalit idineklara itong dead on arrival sanhi ng balang bumaon sa kanyang kaliwang dibdib.

Inaalam pa ng pulisya kung ano ang motibo sa pagpatay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply