Kelot ‘binigti’ sa LRT station

HINIHINALANG binigti ang isang lalaki sa bubong mismo ng Light Rail Transit (LRT) sa Pedro Gil Station.

Nakita ng guwardiya ng naturang istasyon ang bangkay ng lalaking hindi pa batid ang pagkakakilanlan na nakatali ang leeg sa sinturon at ikinabit sa PVC pipe ng bubong.

Inilarawan ang biktima na nakasuot ng shorts, gray na T-shirt at may tattoo sa paa.

Sinasabing sa biktima rin ang natagpuang pantalon malapit sa bangkay niya.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Scene of the Crime Operatives.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply