Kelot binistay ng bala, patay

crime-scene-chalk-mark

TAGUIG CITY – NALILIGO sa sariling dugo at tadtad ng bala sa katawan ng matagpuan ang walang buhay na katawan ng isang lalaki sa harap ng pamamahay nito sa Barangay Upper Bicutan, ayon sa ulat ng Investigation and Detective Management Section ng naturang lungsod noong Biyernes ng madaling araw.

Sa isinagawang pagsisiyasat ng mga awtoridad ng IDMS, nakilala ang biktimang si Nelson R. Amad, 43, walang hanap-buhay at nakatira sa Blk. 105 Lot 6, Sitio Imelda, Brgy. Upper Bicutan, Taguig City.

Sinabi ng mga awtoridad na dakong alas 3:00 ng umaga ng makatanggap sila ng impormasyon tungkol sa nakitang duguang bangkay ng biktima na nakahandusay sa konkretong lansangan na naging dahilan upang tunguhin ang lugar ng pinangyarihan ng krimen.

Pinaniniwalaang namatay agad ang biktima bunsod ng tinamo nitong tama ng bala ng ‘di pa mabatid na kalibre ng baril sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Patuloy na nagsasagawa ng masusing pagsisiyasat ang mga awtoridad upang matukoy ang salarin na agad na tumakas matapos na isakatuparan ang pamamaslang.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply