Kelot binoga, patay

crime5

NASAWI ang isang 26-anyos na lalaki matapos na barilin sa ulo ng dating kaaway habang ipinagdiriwang ang kapistahan ng Senior Sto.Nino de Tondo kagabi.

Dead on the spot ang biktimang si Virgilio M. Ramirez, ng Block 6, Magsaysay Village,  habang arestado ang suspek na si Ricardo Valencia, 32, ng Block  26, Unit  423, Balut, Tondo.

Sa report ni PO1 Jose Gumilan ng MPD homicide, dakong alas -10:30 kagabi nang maganap ang insidente sa loob ng basketball court sa Vitas Tondo, na nasasakop ng Brgy. 98 Zone 8, District 1.

Ang biktima ay nakipamista kasama ang ilang kaibigan nang lapitan ito ng suspek saka walang sabi-sabing binaril sa likod ng ulo ang biktima.

Kinuyog naman ng mga deboto ng Sto.Nino ang suspek kaya hindi na nito nagawa pang makatakas.

Ayon pa kay PO2 Gumilan, may dati ng alitan ang suspek at ang biktima matapos na umano ay patayin ng biktima ang kaibigan ng huli noong 2004.

Nakuha naman ang .38 revolver na ginamit ng suspek sa pamamaril sa biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply