Kelot binurdahan ng senglot, malubha

emergency-2

NASA kritikal na kondisyon ngayon ang isang lalaki makaraang mapagtripang saksakin ng isang senglot sa Northbay Boulevard South Navotas City, Linggo ng gabi.

Nakaratay at ginagamot sa Tondo Medical Center si Dennis Santos y Doctor, 32, ng Barrio Tibayan Agonoy Bulacan, sanhi ng maraming saksak ng icepick sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Mabilis na tumakas ang suspek bitibit ang ginamit na icepick

Ayon sa ulat, dakong alas-8:50 ng gabi nang maganap ang insidente sa Agora Market sa nasabing barangay.

Nabatid na naglalakad si Dennis sa nasabing palengke nang makasalubong ang pasuray-suray na suspek at walang sabi-sabing inundayan ng mga saksak ang biktima.

Tumakas ang suspek habang ang biktima ay dinala sa nasabing ospital.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad at inaalam ang tunay na motibo sa nasabing insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply