Kelot kritikal, paslit sugatan sa pamamaril sa Basilan

emergency-2

ISA ang kritikal habang isang paslit ang nasugatan sa naganap na pamamaril sa Catleya Drive, Barangay Aguada, Isabela City, Basilan kaninang umaga.

Nabatid na bandang alas-6:50 ng umaga kanina nang maganap ang insidente habang naglalakad sa lugar ang biktimang si Basar Samiun Alih, 49, at bigla na lamang barilin ng isang hindi nakilalang lalaki.

Tinamaan naman ng ligaw na bala ang nagdadaan lamang na 9-anyos na babae na hindi pinangalanan.

Ayon sa ulat, nagtamo ng grabeng tama ng bala sa likurang bahagi ng kanyang katawan si Alih habang tinamaan sa kaliwang braso ang dalagita.

Narekober ng mga rumispondeng pulis sa lugar ng insidente ang ilang bala ng caliber .45 pistol.

Nasa pagamutan pa rin ang dalawang biktima at nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng pamamaril at sa pagkakakilanlan ng suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply