Kelot kritikal sa pananambang

emergency

HINIHINALANG droga ang dahilan sa pananambang sa isang lalaki ng dalawang hindi pa kilalang suspek sa Caloocan City, Huwebes ng gabi.

Inoobserbahan sa East Avenue Medical Center si Ernesto Santos, 34 ng Bunga Mayor, Bustos, Bulacan, sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa katawan.

Sa ulat, dakong alas-7:00 ng gabi, sakay ng Tamaraw FX si Santos nang sumulpot ang mga suspek na lulan ng puting Toyota Corolla na walang plaka at pinaulanan ng bala ang sasakyan ng biktima.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang dinala naman ang biktima sa EAMC.

Nakuha ng mga awtoridad ang isang kalibre .38 baril at isang sachet ng shabu sa sasakyan ng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply