Kelot na naaksidente, nahulihan ng ‘di lisensiyadong baril

gun-ban

DOBLE dagok ang kinakaharap ngayon ng isang 43-anyos na lalaki nang masangkot ito sa isang aksidente sa lansangan kung saan ay nabuking pa ang walang lisensiya nitong baril sa loob ng nawasak niyang sasakyan kamakalawa ng hapon sa Las Pinas city.

Bukod sa kasong reckless imprudence resulting in damage to government property, sasampahan din ng pulisya ng paglabag sa R.A. 8294 o Illegal Possession of Firearm and ammunition  si Petronio Montalba, 43, residente ng Bacoor, Cavite makaraang makuha sa loob ng kanyang sasakyan ang isang kalibre .45 baril na walang kaukulang dokumento.

Batay sa tinanggap na ulat ni Las Pinas Police Officer-in-Charge Sr. Supt. Adolfo Samala,  sinalpok ng minamanehong Honda Accord (UDT-512) ni Montalba ang ilaw ng poste sa kahabaan ng P.D Cerra Avenue, Pulang Lupa bago mag-ala-1 ng hapon sa hindi pa malamang dahilan.

Agad na isinugod sa Las Pinas District Hospital ng mga nakasaksi si Montalba sanhi ng pinsalang tinamo nito bunga ng pagkakasalpok ng minamanehong sasakyan sa poste ng ilaw.

Nang suriin naman ng mga traffic investigator ang nawasak na sasakyan, nakuha sa loob nito ang isang kalibre .45 baril na may walong bala sa magazine.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply