Kelot na naihian sa mukha kritikal sa saksak

crime

KRITIKAL ang 52-anyos na lalaki nang pagtulungang saksakin ng isang barangay tanod at  anak nitong babae makaraang magwala ang una matapos maihian sa mukha ng suspek habang nakahiga sa isang bangkito kaninang umaga sa Pasay City.

Kasalukuyang ginagamot sa Ospital ng Maynila si Bryan Mendoza, ng Maginhawa St., F.B. Harrison sanhi ng mga saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang mga suspek na sina Carlos Ramirez, tanod ng Barangay 14 Zone 1 at anak na si Mai-Mai, kapwa naninirahan sa Maginhawa St. makaraang pagtulungang saksakin ang biktima alas-7:59 ng umaga sa harapan ng bahay ng mga suspek.

Sa imbestigasyon, nakahiga sa isang bangkito ang biktima sa harapan ng bahay ng mag-ama nang hindi sinasadyang maihian sa mukha ni Ramirez.

Dito na nagwala ang biktima at nang nakadampot ng bote ng alak si Mendoza ay tinangkang lusubin si Ramirez subalit nakadampot naman ito ng patalim at sa tulong ng kanyang anak na babae ay pinagsasaksak nila ang biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply