Kelot na walang pera nagpatiwakal

hanging

DAHIL walang mahanap na trabaho, isang lalaki ang nagbigti sa Quezon City kaninang madaling araw, Enero 20.

Ani Chief Inspector Rodel Marcelo, hepe ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), ang biktimang si Roderick Echalas, 32, ng Rosal St., Botanical, Barangay Central ay matigas na ang katawan na senyales na ito ay may ilang oras nang patay.

Ayon kay SPO4 Jun Mortel, imbestigador ng QCPD-CIDU natagpuan ang bangkay ng biktima dakong ala-1 ng madaling-araw sa loob ng bahay nito.

Bago ito, naglalaro ang mga bata sa lugar nang mapasilip sa loob ng bahay at nakita ang biktima na nakabitin sa biga ng kanyang bahay na may nakapulupot na nylon cord sa leeg nito.

Ipinagbigay alam naman agad ito sa mga kapitbahay ng biktima na siyang tumawag sa pulisya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply