Kelot nag-amok, namaril sa Cavite

UPDATE Hindi bababa sa sampu ang sugatan makaraang magwala at mamaril ang isang lalaki na namatay din matapos kumasa sa mga rumespondeng pulis sa Kawit, Cavite, iniulat ngayong umaga.

Ayon sa ulat sa radyo, kagabi (Huwebes) pa lamang ay nag-iiinom na ang suspek na kinilalang si Ronald Bae.

Sa report, sinabi na lahat ng masalubong ni Ronald ay kanyang binabaril at ilang bahay rin ang kanyang pinasok at pinagbabaril ang mga nakatira dito.

Nang rumesponde naman ang mga pulis, imbes na sumuko ang suspek ay pinaputukan pa nito ang mga awtoridad. Dahil dito, napilitang gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa pagbulagta ng suspek.

Agad namang isinugod sa pagamutan ang mga sugatang biktima.

Patuloy ang imbestigasyon sa pangyayari at inaalam kung ilan ang kabuuang bilang ng sugatan at kung may binawian ng buhay sa mga biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply